MADDURUFUN FESTIVAL NG CARABATAN CHICA, MULING IPAGDIRIWANG

CAUAYAN CITY- Idaraos muli sa ika-14 hanggang ika-15 ng Agosto ang inaabangang Maddurufun festival ng Brgy. Carabatan Chica, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Jonathan Dalin, nakalatag na ang mga kapana-panabik na mga aktibidad sa kanilang kapistahan.

Aniya, tampok sa kanilang pagdiriwang ay ang pagdalo ng mga local artist na magpapakilig at makikipagkulitan sa mga makikisaya sa kanilang pista.


Dagdag pa niya, upang mapanatili ang kaayusan sa daloy ng trapiko sa lugar ay ipapatupad nila ang one way parking sa lansangan.

Bukod dito, buong pwersa rin ang mga barangay police na magbabantay sa lugar upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa pagdaraos ng Maddurufun Festival.

Facebook Comments