Manila, Philippines – Mananatili pa ring balot sa kadiliman ang daan-daang mga sitio sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ito ay kasunod ng pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa limang bilyong pisong salaping gastusin ng National Electrification Administration (NEA) para sa taong 2019.
Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, 163 milyong piso ang tinapyas ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa 1.8 bilyon pisong pondo ng ahensya noong 2018.
Ngayong araw ay nakasalang sa deliberation ang 2019 budget ng NEA.
Puntirya na pailawan ng NEA hanggang 2022 ang nasa 19,740 mga sitio sa buong bansa na wala pang suplay ng kuryente at karamihan dito ay nasa bahagi ng Mindanao Region.
Facebook Comments