MADILIM NA DAAN SA BRGY. BANI, BAYAMBANG, PINAILAWAN

Nilagyan ng solar-powered streetlights ang kahabaan ng provincial road sa Brgy. Bani, Bayambang bilang solusyon sa madilim at mapanganib na kakalsadahan para sa mga motorista, pedestrian at mga residente sa lugar.

Sakop ng naturang daan ang bahagi ng BYB Metro, na aktibong pasyalan sa parehong mga bisita at residente, hanggang gabi.

Sang-ayon naman ang ilang residente sa naturang pagpapailaw bilang visibility sa mga mahilig mag-jogging.

Kaugnay nito, tiniyak naman na dumaan sa pagsusuri ang proyekto at maayos ang pagkakabit ng mga ilaw.

Ilan pang bahagi ng daan sa sentro ng Bayambang ang mungkahi ng mga residente na pailawan ng lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

Inaasahang magdudulot ang proyekto ng mas maliwanag at mas ligtas na daan sa barangay na pakikinabangan ng mga dumadaan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments