Madugong engkwentro sa Basilan, hindi na mauulit —AFP

Isolated case kung ituring ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nangyaring pananambang sa tropa ng militar ng hinihinalang myembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sumisip, Basilan kamakailan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kumpiyansa silang hindi na ito mauulit sa hinaharap.

Aniya, kasalukuyan na kasing sumasailalim sa normalization process ang Mindanao.


Binigyang-diin pa ni Padilla, bahagi ng normalization process ang unti-unting pagbabalik ng mga dating MILF combatant sa lipunan na magandang indikasyon ng kanilang pagbabalik-loob.

Facebook Comments