Madulas na Daan sa Alicia Isabela, Inaksyunan Na!

260

Alicia, Isabela – Inaksyunan na ng mga opisyal ng barangay at mga otoridad ang inirereklamong madulas na daan na sanhi ng sunud-sunod na aksidente sa Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ito ang inihayag ni Police Senior Inspector Reynaldo Junio, ang Deputy Chief of Police ng PNP Alicia sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Aniya, maraming motorista at ilang residente sa bayan ng Alicia ang nagparating sa kaniyang tanggapan dahil sa madulas na gawa sa aspalto na daan.

Iginiit pa ni PSI Junio na kadalasan ang aksidente sa nasabing daan kapag maulan ang panahon sa kabila na diretsong daan naman ito kung saan ay mga dayuhan umano ang karamihang biktima ng aksidenbte dahil sa hindi nila kabisado ang nasabing aspaltong daan.

Bilang aksyon sa naturang problema ay nilagyan na ng barikada sa gilid ng daan bilang paalaala sa mga motorista na mag-ingat sa madulas na daan at kailangang mag-slow down sa pagdaan dito.

Naiparating narin umano ito sa pamunuan ng DPWH upang ayusin ang daan at para maiwasan ang anumang aksidente.

Matatandaan na kamakailan ay isang pajero na sinakyan ng mga police officers mula sa ibang probinsya ang nakaaksidente sa madulas na daan.

Facebook Comments