Pinangunahan ni MAFAR BARMM Minister Mohammad Yacob ang isinagawang Harvest Festival sa Brgy. Sapalan, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao
Ang Harvest Festival ay bunga ng mga naging isinisyatiba ng MAFAR BARMM para matulungan ang mga magsasaka sa rehiyon at kabilang sa Food Sufficiency Program ng BARMM Government.
Kahapon, inani sa Brgy Sapalan at Bugawas ang nasa 150 hectars na naitanim na NCIS Rc204H (Mestizo 20) na Hybrid Rice.
Sinasabing isang libong toneladang palay o katumbas ng isang milyong kilong palay ang naani sa ginawang Harvest Festival.
Ang Brgy Sapalan at Bugawas ay isa sa Model Farm Community ng Hybrid Rice.
Kaugnay nito malaki aniya ang posibilidad na sa mga sususnod na panahon ay magiging CAPITAL ng RICE PRODUCTION ang Maguindanao ayon pa kay Minister Yacob.
Samantala, inilunsad rin sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ang Mafarlengke o Palengke on Wheels na nagtatampok ng ibat ibang mga produkto kabilang na ang bigas, gulay, prutas, isda at marami pang produktong lokal.
Matapos ang simpleng programa na nilahukan ng mga opisyales ng MAFAR BARMM at LGU, agad itong dinagsa ng mga residenteng mamimili.
Bukod sa mga sariwang produkto, mas higit na mura ang mga ito kumpara sa palengke.
Ang programa ay bilang isang tugon na rin ng MAFAR BARMM sa perwisyong dulot ng Covid 19 .
BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>