MAFIA SA DOH? | Dating consultant ni dating DOH Secretary Ubial, iginiit na mayroong mafia sa DOH

Manila, Philippines – Nanindigan si Dr. Francis Cruz, dating consultant ni dating Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial, na mayroon siyang hawak na mga dokumento na magpapatunay na may mafia talaga sa DOH taliwas sa sinasabi ni dating DOH Secretary Janet Garin na walang mafia sa Dengvaxia sa DOH.

Sa ginanap na forum sa Manila Hotel, ibinunyag ni Dr. Cruz na kaya nitong patunayan sa mga kritiko sa kanya na ilalantad nito sa tamang venue ang mga hawak nitong mga dokumento na nagpapatunay na mayroong mafia sa usapin ng Dengvaxia sa DOH.

Ayon kay Dr. Cruz, kung pumalag sana ang mga DOH personnel hindi matutuloy ang national tragedy na kanyang tinukoy kung saan halos isang milyon nabakunahan.


Giit ni Dr. Cruz, handa umano siyang magpakulong kung kinakailangan sa banta ni Garin na kakasuhan ng libelo ang nagbunyag na mayroon DOH mafia sa usapin ng Dengvaxia.

Facebook Comments