Mag Aaral na Tubong Cauayan City, Wagi sa World Martial Arts sa Korea!

361

*Cauayan City, Isabela*- Nagbigay karangalan sa bansa ang isang mag aaral na tubong Cauayan City sa katatapos na Tong il Moo Do World Martial Arts na idinaos sa bansang Chunju City, South Korea kamakailan.

Kinilala ang talento ni Marjhude Delos Santos,21 anyos at residente ng Brgy. Minante Dos sa nasabing lungsod.


Una rito, nag uwi ng 4 na Gold, 3 Silver at isang Bronze ang pambato ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon. Nagtagisan ang iba’t ibang bansa gaya ng Thailand, Kenya, Iran, Nepal,Brazil, Korea, Malaysia, Japan, Cambodia, Paraguay,Australia at India.

Kaugnay nito, nag uwi rin ng gintong medalya sa iba’t ibang kategorya si Delos Santos mula sa bansang Africa.

Hinihikayat naman ni Delos Santos ang mga kabataan na tuparin ang pangarap na higit na mag aangat para sa kanila.

Facebook Comments