Amerika – Handang makipag-usap sa Estados Unidos ang North Korea.
Ito ang sinabi ni South Korean President Moon Jae-In matapos na makausap si General Kim Yong-Chol, ang pinuno ng delgasyon ng North Korea sa Winter Olympics.
Ayon kay Moon, sinabi mismo ng delegasyon ng Pyeongyang na dapat maganap ang dayalogo sa lalong madaling panahon.
Sagot naman ng White House, mapapaganda ang relasyon ng dalawang bansa kung ititigil na ng North Korea ang nuclear program nito.
Hindi anila uusad ang dayalogo hangga’t nananatiling banta ang nuclear program ng North Korea sa buong mundo.
<#m_3208136244020336192_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments