Mag-ama, arestado sa iligal na droga sa Parañaque City

36

Arestado ang mag-ama sa ikinasang buy bust operation ng Parañaque Police Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. San Antonio sa Parañaque City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Archieval David Tesoro, 44-anyos at Aldrich Gabriel Tesoro, 21-anyos.

Nasakote ang mag-ama sa may bahagi ng Pictorial Lane sa 4th Estate Subdivision sa nasabing barangay.


Nakumpiska sa kanila ang nasa dalawang sachet ng shabu na may bigat ng 105 na gramo at nagkakahalaga ng higit sa ₱700,000.

Kasalukuyang nakakulong ang mag-ama kung saan inaalam na ng Parañaque Police kung sino ang kanilang source ng iligal na droga.

Facebook Comments