Mag-Ama Patay! Isa Sugatan sa Salpukan ng Motorsiklo at Sasakyan!

Ramon, Isabela- Patay ang mag-ama matapos salpukin ng hindi pa nakikilalang suspek dakong alas siyet y media ng kagabi, Marso 4, 2018 sa Brgy. Ambatali, Ramon, Isabela.

Kinilala ang mag-ama na sina Delton Eduardo, 37 anyos, may-asawa, magsasaka samantalang kinilala naman ang kanyang anak na si Anthony Eduardo, 5 taong gulang at pawing mga residente ng Halag Proper, Aguinaldo, Ifugao.

Sa pakikipanayam ng RMN Cauayan News Team sa PNP Ramon, Pauwi na at binabaybay ni Eduardo ang lansangan patungong kanluran lulan ang kanyang bagong black Euro 150 na may plakang BF87413 angkas ang kanyang anak nang biglang salpukin ng kasalubong na sasakyang Toyota na may plakang TPT 503.


Napag-alaman ng pulisya na nahagip din ng sasakyan at nagtamo ng sugat ang motorsiklong sinusundan ni Eduardo na minamaneho ni Eric Atio-an, 23 anyos, walang asawa, construction woker at residente ng Burgos, Ramon, Isabela.

Ayon pa sa pulisya, tumakas umano ang drayber ng Toyota matapos magdagsaan ang mga tao sa pinangyarihan at posible umanong nakainom ng alak ang drayber ng Toyota batay na rin sa mga nakitang bote ng alak sa loob ng sasakyan.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyaring insidente upang matugis ang salarin at inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide (RIR), Physical Injuries at Damage to Properties na kakaharapin ng matutugis na salarin.

Facebook Comments