Mag-ama, patay matapos barilin ang isa’t isa

560
(Pinterest photo)

NEW YORK CITY – Patay ang isang 15-anyos na lalaki at ang kanyang 34-anyos na tatay matapos nilang bariling ang isa’t isa noong hapon ng Martes.

Sa report ng pulisya, bandang alas 2pm nang makarinig ng putukan sa 2815 Deerfield Road sa Far Rocakaway.


Naniniwala ang awtoridad na parehong may baril ang dalawa at pinaputukan ang isa’t isa.

Lumalabas na nasawi ang mag-ama dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Hindi malinaw kung humingi ng tulong ang ina ng isa sa mga biktima kaya patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments