Mag-ama, patay sa Passi City Iloilo matapos magkaroon ng typhoid fever dahil sa kontaminadong balon

96

Iloilo, Philippines – Patayang mag-ama sa barangay Tubod, Passi City sa lalawigan ng Iloilo mataposmagkaroon ng typhoid fever dahil sa kontaminadong balon.
 
Kinilala ang mga biktimana sina Anacleto Santiago at anak nito na si Analie Santiago.
 
Ayon sa magulang niAnacleto, nagsimula nang pananakit ng ulo ng mga biktima noong Abril 22 kungsaan dinala ang mga ito sa ospital kabilang na ang apat na taong gulang na anakni Anacleto.
 
Hindi na naagapan angmag-ama na pawang positibo sa typhoid fever habang nananatili naman sa ospitalang bunsong anak.
 
Sa ngayon pansamantalangisinara ang balon dahil marami ang kumukuha ng tubig dito at nadagdagan pa angmga biktima.
 
Nagsagawa na rin nginspection sa balon ang city health office ng Passi City at Iloilo provincialhealth office.
 

Facebook Comments