Mag-ama, pinagbabaril ng mga lalaking hinahanap ang kaanak nilang ‘dawit sa droga’

1063
REPRESENTATION PHOTO FROM SHUTTERSTOCK

Sumisigaw ng hustisya ang isang ginang sa Caloocan City matapos pagbabarilin ang kaniyang mister at anak ng mga lalaking hinahanap ang kaanak nila na dawit umano sa iligal na droga.

Dead on the spot ang mag-ama na kinilalang sina Monico at Jerico Labarigo.


Ayon sa naulilang si Ligaya Labarigo, pinasok ng mga armadong lalaki ang kanilang bahay dakong alas-11 ng gabi noong Linggo at hinahanap ang isang nagngangalang Baet, na manugang ng asawa niya.

“Doon sa kuwarto, hinihila yung anak ko. Sabi ko hindi yan si Baet. Anak ko kako yan,” saad ng babae sa isang ulat.

Kuwento pa ni Ligaya, pinaslang muna ng mga suspek ang anak niya bago ang 66-anyos na kabiyak.

Nasaksihan daw ng limang bata ang karumal-dumal na krimen na sa kabuting palad ay hindi napahamak.

Dati na raw nasangkot sa droga si “Baet,” na posibleng rason kung bakit siya hinahanap ng mga salarin.




Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga tumakas na lalaki.

Facebook Comments