Mag ama pinagbabaril sa bayan ng Kabacan ,isa patay

Isang ama ang namatay habang sugatan naman ang walong taong gulang nitong anak na babae sa nangyaring pamamaril sa Barangay Pedtad, sa bayan ng Kabacan North Cotabato madaling araw nitong Martes.
Kinilala ang napatay na biktima na si Wajery Talipasan Tayag , 37 anyos at isang magsasaka habang ang sugatan nitong anak ay kinilalang si Jenny Katog Tayag, 8 anyos .
Sa report ay mahimbing na natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan ng dumating at pumasok ang di kilalang mga suspek at silay pinagbabaril.
Tama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ni Wajery na nagsanhi ng kanyang kamatayan. Nakaligtas naman ang anak nitong si Jenny subalit itoy nagtamo ng sugat sa katawan. Patuloy naman ang isinasa gawang imbestigasyon ng Kabacan Pnp sa insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments