Mag ama, pinagbabaril sa bayan ng Pikit, North Cotabato – isa patay

North Cotabato – Hindi pa matukoy ng Pikit PNP kung ano ang motibo sa pamamaril sa mag-amang Samonte.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, napag-alaman na habang nagdadamo sa gilid ng highway sa Barangay Dalengawen sa bayan ng Pikit, North Cotabato ang mag-amang sina Gilbert Samonte Sr. at Gilbert Jr. nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Ayon pa kay Pikit PNP Chief Police Chief Insp. Ronald Cabigas, si Samonte Jr. ay dating miyembro ng CAFGU sa kanilang lugar.


Dahil sa dami ng tama ng bala na timamo sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan, nasawi si Samonte Sr. habang ginagamot sa pagamutan samantalang maswerte namang nasa ligtas nang kondisyon si Samonte Jr.

Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng Pikit PNP sa insidente.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments