Mag-ama sa San Mariano, Isabela, Binaril ng Isang Magsasaka!

974

San Mariano, Isabela- Sugatan ang mag-ama matapos mabaril ng isang magsasaka kahapon sa Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Esteban Pascua, 53 anyos, habang ang mga biktima ay sina Jerry Manalastas Sr., 46 anyos at Jerry Manalastas Jr., 4 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Batay sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), dumating sa kanilang lugar ang mag-amang biktima kasama ang suspek matapos ang kanilang picnic sa ilog sa Brgy. Binatug.

Nang malapit nang makarating sa kanilang bahay ang mag-ama ay bigla na lamang naglabas ng Caliber 45 na baril ang suspek at pataas na ipinutok ang baril.

Kaugnay nito ay pinaputukan rin ng suspek sa kaliwang hita ang nakatatandang Manalastas at nagtamo rin ng tama ng bala ng baril ang apat na taong gulang nitong anak.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mag-amang biktima para sa kanilang kaukulang lunas samantalang inihahanda naman ng PNP San Mariano ang kasong frustrated homicide at paglabag sa Omnibus Election Code na isasampa laban sa naarestong suspek.

Facebook Comments