MAG-AMA, SUGATAN MATAPOS MAHULOG ANG SASAKYAN

Sugatan ang mag-ama matapos mahulog ang kanilang sinasakyang kotse nang gumuho ang bahagi ng Claveria-Calanasan sa Sitio Salagunting, Sta. Elena, Calanasan, Apayao kaninang madaling araw, Oktubre 18, 2022.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Calanasan Municipal Police Station, binabaybay ng sasakyan ang daan mula sa Barangay Sta. Elena, Calanasan patungong Claveria, Cagayan ng biglang gumuho ang bahagi ng daanan.

Nahulog sa sasakyang sa tinatayang limang metrong butas kung saan nagtamo ng sugat ang drayber ng sasakayan at ang anak na babae nito habang maswerte naman walang natamong sugat ang apat pang sakay.

Ang mga sugatan ay kinilala na sina Luis De Guzman Bataan Jr, dyaber at ang anak nitong si Kayslee Cris Mangalao Bataan.

Ang mga sugatan ay dinala sa Barangay Eva Clinic in Calanasan para sa medikal na atensyon.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ng PNP sa Department of Public Works and High Ways (DPWH) tungkol sa sitwasyon ng nasabing daan.

Facebook Comments