MAG-AMA, SUGATAN SA PANANAKSAK SA ISANG INUMAN SA SISON

Dalawang mag-amang construction worker ang sugatan matapos umanong pagsasaksakin ng kanilang kainuman dahil sa mainit na pagtatalo sa Barangay Esperanza, Sison, Pangasinan noong Martes ng gabi, Pebrero 24, 2026.

Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek na isang 55-anyos at mga biktima na isang 65-anyos at isang 33-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, nakatanggap umano ng tawag ang Sison Municipal Police Station bandang 6:20 ng gabi ukol sa dalawang lalaki na isinugod sa ospital dahil sa tama ng saksak.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga biktima at ng suspek ang pananaksak habang nag-iinuman.

Matapos mabigyan ng paunang lunas, inilipat ang mga biktima sa sa Dagupan City para sa karagdagang pagpapagamot.

Arestado naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad kung saan ito nagpapagamot dahil sa tinamong sugat sa ulo, ngunit hindi pa narekober ang ginamit na patalim sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments