Mag-ama, tinamaan ng bala ng baril na pumutok habang naghaharutan

921

Kritikal ang lagay ng isang 4-anyos na lalaki sa Indiana, US matapos pumutok ang dalang baril ng kanyang tatay habang naghaharutan ang dalawa.

Ayon sa pulisya, naglalaro ng wrestling ang mag-ama noong Linggo sa kanilang bahay nang malaglag sa sahig ang baril na isinuksok ng 36-anyos na tatay sa kanyang likuran.


Pumutok nang isang beses ang baril pagkabagsak at tumama ang bala sa ulo na mag-ama, ayon sa Monroe County Sheriff’s Office.

Isinakay ng helicopter ang paslit na dinala children’s hospital sa Indianapolis kung saan idineklarang kritikal ang kanyang lagay noong Lunes.

Isinugod naman sa ospital sa parehong lugar ang tatay na nagtamo ng hindi nakamamatay na pinsala.

Hindi pa tinutukoy ng awtoridad ang mag-ama.

Facebook Comments