Mag-amang Binay, nahaharap sa panibagong graft charges kaugnay ng maanomalyang Makati Science High School

Manila, Philippines – May kinakaharap na bagong kaso ng graft o katiwalian ang mag-amang sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Ito ay matapos i-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sampahan ang mag-amang Binay at labing siyam na iba pa ng graft at falsification of public documents.

Batay sa resolusyon ng Ombudsman, nagsabwatan ang mga ito sa bidding at procurement para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Makati Science High School sa halagang mahigit isang bilyong piso mula 2007 hanggang 2013.

Pinuna rin ng Ombudsman na iisang kompanya lang ang kinontrata para sa konstruksyon ng gusali.


Sabi naman ng kampo ng mga Binay, walang basehan ang mga kaso laban sa kanila.

Hindi na rin anila kataka-taka ang panggigipit sa kanila ng Ombudsman.

Matatandaang may iba pang kaso ang mag-amang Binay sa Sandiganbayan tungkol naman sa maanomalyang pagtatayo ng Makati City Hall building 2.

Facebook Comments