MAG-AMANG MANGINGISDA MULA ZAMBALES ISANG LINGGO NAGPALUTANG LUTANG SA DAGAT NA SAKOP NG INFANTA, MATAGUMPAY NA NASAGIP

Nasagip sa bayan ng Infanta ang mag- amang mangingisda mula sa Zambales na nakitang palutang-lutang sa bahagi ng karagatan ng bayan.

Nakilala ang mga ito na sina Benjamin E. Eder, 51 y/o at si Michael E. Eder, 15 y/o na parehong residente ng Sitio Tahimik, Purok 3c, Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales kung saan sila ay natagpuan sa baybayin ng Infanta.

Ayon sa report, nasira ang sinasakyan nilang bangka nang ito ay tumama sa isang kahoy sanhi ng paglubog nito.

Ang dalawang mangingisda ay nagpalutang lutang sa dagat gamit ang container sa loob ng halos anim na araw.

Nakita at sinagip sila ng isang mangingisda mula sa bayan ng Infanta na si Joenel Pulido na noo’y pumalaot upang mangisda at agad na nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard Sub-Station Infanta.

Wala namang natamong malubhang sugat o pinsala ang mga mangingisda na ngayo’y nakauwi na sa kanilang pamilya sa tulong ng LDRMMO-Infanta, PCG Sub-Station Infanta at PCG Subic. | ifmnews

Facebook Comments