Mag-amang ‘Maute’ na hinarang sa NAIA, pinauwi na

Manila, Philippines -Pinalabas na ang mag-aamang may apelyidong Maute na hinarang sa Ninoy Aquino Terminal Airport (NAIA).

Ito’y matapos makapaglabas ng clearance mula National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) para kina Alnizar Maute, Yasser Dumaraya Maute, Shary Maute at Abdulrahman Maute.

Ayon kay Alexander Bandarang – walang kaugnayan ang kanyang mga kamag-anak sa Maute group na naghahasik ng gulo sa Marawi.


Boluntaryo pa aniya silang kumuha ng clearance sa NBI.

Paglilinaw naman ni PNp Chief Ronald Dela Rosa – sumailalim lamang sa beripikasyon ang mag-amang Maute.

Kahit pinauwi na ang mga ito, patuloy pa rin silang babantayan.

Panawagan naman ni Atty. Elis Yusoph, abogado ni Yaser Maute – huwag na sanang tawaging Maute ang nasa likod ng kaguluhan sa Marawi dahil maraming inosenteng Maute ang nadadamay.

Ipinauubaya naman na ng PNP sa B-I ang desisyon kung papayagang matuloy ang naunsyaming biyahe ng magkakaanak na maute patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments