Mag-amang mayor at vice mayor ng Libacao, Aklan, sinilbihan ng warrant of arrest

Sinilbihan ng warrant of arrest ng Sandigang Bayan ang mag-amang lider ng bayan ng Libacao na sina Mayor Vincent Navarosa at Vice Mayor Charito Navarosa.

Kasama rin sa warrant of arrest ang municipal engineer na si Peter Zapues Orbista, at ang dalawa pa na sina Gary Rivera Gaylan at Sherwin Flores.

Ito ay may kaugnayan sa isinampang kaso sa kanila na paglabag sa Section 3 (b) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at direct bribery sa ilalim ng Article 210 ng Revised Penal Code.

Base sa ibinigay na impormasyon sa RMN DYKR Kalibo ni PCpt. Larry John Vidal, hepe ng Libacao PNP, nag-voluntary surrender umano sa kanila si Mayor Vincent.

Kanilang sinamahan ito sa Prosecutor’s Office at nagpiyansa ng P90,000, habang P60,000 naman para sa kanyang amang si Charito.

Dagdag pa ni Vidal na nakapagpiyansa rin ang tatlong iba pa na sina Orbista, Gaylan, at Flores.

Ayon kay Vidal, sinunod nila ang tamang proseso sa pagtrato sa mga akusado kahit na sila ay mga opisyal ng bayan.

Sa ngayon ay hindi pa nakapagbigay ng pahayag si Mayor Navarosa.

Facebook Comments