Mag-amang opisyal ng Batuan,Masbate. Bigong magpakita sa DOJ kaugnay ng kanilang kasong pag-iingat ng mga baril at pampasabog

No show sa unang araw ng Preliminary investigation ng DOJ sa kasong illegal possession of firearms and ammunition” at “illegal possession of explosives” ang mag-amang Batuan ,Masbate Mayor Charmax Yuson at Vice Mayor Charlie Deroma Yuson III

Bigo ring maghain ng kanilang kontra salaysay ang mag-ama at sa halip ang kanilang mga abugado lamang ang humarap at humiling ng extension sa paghahain ng counter affidavit.

Humingi rin ng karagadagang panahon ang PNP para makapaghain sila ng karadagang documentry evidence laban sa mag ama.


Bunga nito, itinakda ni Assistant Senior Prosecutor Cristina Dugay sa April 1 ang susunod na hearing.

Inatasan din ng DOJ panel ang abugado ng mga respondent na paharapin ang mga ito at ang kanilang testigo sa susunod na hearing.
Nag-ugat ang kaso laban sa mag-amang Yuson nang i-raid ng PNP ang kanilang tahanan at resort sa Masbate kung saan nakuha ng mga otoridad ang mga armas at pampasabog.

Facebook Comments