Mag-amang Teves, kinasuhan na ng CIDG sa DOJ

Pormal nang inihain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG ang kaso laban kina Negros Oriental Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr., gayundin sa 2 anak nito.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo naihain na sa Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa mambabatas gayundin kina Kurt Matthew at Axel Teves.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law gayundin ang Illegal Possession of Explosives ang isinampa laban sa mag-aamang Teves matapos ang isinagawang raid sa kanilang tahanan sa Bayawan City.


Dahil dito, kinumpirma rin ni Fajardo na kanselado na ang License to Own and Possess Firearm ni Kurt Matthew dahil bukod dito ay may isa pa siyang kasong kinahaharap kaugnay sa pananakit nito sa isang security guard.

Facebook Comments