Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa naganap na panloloob ng mga umano’y holdaper sa bahay ng isang mag anak sa bayan ng Mabini.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na mahimbing na natutulog pasado alas dos ng madaling araw ang mga biktima na mag anak ng isang Darlyn Braganza ng bigla silang pinasok ng tatlo katao.
Nang magising ang ginang ay may sapilitang ipinainom sa ginang dahilan upang mahilo ito at saka itinali sa kama nila.
Dito na tinangay ng mga suspek ang cellphone ng biktima maging na kanyang pitaka na naglalaman ng limang libong piso.
Samantala, dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang ginang para sa atensiyong medical habang iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments