
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pamilya matapos masangkot sa aksidente sa kahabaan ng Barangay Bayambang, Infanta, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ng isang “kulong-kulong” o motorsiklong may sidecar ang pamilya na minamaneho ng tatay, kasama ang asawa nito at dalawa nilang batang anak, habang binabagtas ang nasabing kalsada nang aksidente umano nitong nasagi ang sanga ng puno sa gilid ng kalsada.
Nawalan ng kontrol ang driver at sa kasamaang palad ay bumangga ito sa kasalubong nitong sasakyan.
Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang mga sakay ng tricycle at agad na isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Facebook Comments









