Mag asawa biktima ng pamamaril kagabi sa lungsod

Isa ang patay habang isa naman ang sugatan matapos na mabiktima ng pamamaril ang mag-asawa kagabing 8:20 ng gabi sa tapat ng gate ng CRMC. Kinilala ang mga biktima na sina Ferdausi Abdulah Uko 59 anyos empleyado ng DepEd Maguindanao, na residente ng sitio Pagagao barangay Tamontaka mother ditto sa lungsod at ang kanyang na misis na si Sahara Uko 44 anyos. Na kapwa sila nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, sakay umano ang mga biktima ng kanilang Mitsubishi lancer na may plakang LCY-959, mula sa ORC na papunta sana ng CRMC para bisitahin ang kanilang kamag anak na pasyente ng pagsapit sa harap ng gate ng CRMC ay silay dinikitan ng riding in tandem in criminals at walang kaabog-abog na pinagbabaril ng ilang beses.
Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang mga suspect habang agad ding isinugod ang mag asawa sa pagamutan. Subalit makaraan ang ilang oras na ginagamot si Ferdausi ay binawian din siya ng buhay.
Narecover ng SOCO team sa crime scene ang siyam na fire cartridge, tatlong deformed na slug at isang metallic fragments mula sa calibre 45 pistol.Sa ngayon sinabi ni PCI Efren Salazar na blanco pa sila kung anu ang motibo sa krimen habang nagpapatuloy ang inbestigasyon.

Facebook Comments