Mag-asawa, hinabol ng lalaking may balisong sa Holy Spirit, Quezon City

29

Dinampot ang isang 18-anyos na lalaki matapos umanong habulin ng balisong ang isang mag-asawa sa Nawasa Line, Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Aldrin Ebuenga, habang tinukoy naman ang mag-asawa bilang sina Jomar Ajuran at Anamarie Aranzaga na napag-alamang tatlong buwang buntis.

Kwento ni Ajuran, naglalakad siya kasama ang 3 buwang buntis na asawa nang nakatitigan nito ang suspek.

Dito na hinabol ng balisong ng suspek ang mga biktima habang sakto namang may mga barangay tanod na nag-iikot sa lugar.

Kwento ng ina ng suspek na si Cherry Ebuenga, may nakaaway ang kanyang anak kayat mukhang sa mag-asawa niya naibunton ang galit.

Inamin din nito na dating gumagamit ng iligal na droga ang anak, ngunit tumigil na ito mula pa noong nakaraang taon.

Facebook Comments