Mag Asawa, Huli matapos Angkinin ang Alagang Kalabaw sa Mismong May- Ari

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang mag asawa na Top 7 Municipal Level matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Dy Abra, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina Franquilinio Buban, 46 anyos at Mary Ann Buban, 45 anyos kapwa magsasaka at residente ng Brgy. Camasi, Tumauini, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg. Rolando Tan Jr., Imbestigador ng PNP Tumauini, matagal na panahon ng inaako umano ng mag asawa ang isang alagang kalabaw simula pa noong humagupit ang Bagyong Lawin sa Isabela dahilan para hanapin ng mismong may ari ang nawawala nitong alagang kalabaw at napag alaman na nasa kustodiya ng mag asawa pero ayaw itong ibalik sa may ari hanggang sa umabot sa pagsasampa ng kaukulang kaso ang may ari laban sa mag asawa.


Agad naming nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa pamumuno ni kagalang galang hukom Felipe Jesus Torio ng RTC Br.22 Cabagan Isabela para sa kasong Cattle Rustling.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mag asawa kung makakapagpiyansa ng P34,000.00 bawat isa.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng kapulisan ang mag asawa upang harapin ang isinampang kaso laban dito.

Facebook Comments