Mag-asawa, Huli matapos bastusin ang mga Opisyal ng Barangay

11301

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mag-asawa matapos bastusin ang mga opisyal ng barangay na nagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine kahapon sa Brgy.Malamag West, Tumauini, Isabela.

Nakilala ang mga suspek na sina Orlando Guiuo, 44 anyos, isang laborer at Marilyn Guiuo, 35 anyos,walang trabaho at kapwa residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station, sakay ng single motorcycle ang mag-asawa ng parahin ang mga ito sa checkpoint upang tignan ang kanilang Home Quarantine Pass sa kanilang paglabas bunsod ng mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

Nagtaas umano ng boses at naging arogante ang lalaki at kinuwestiyon pa ang mga opisyal ng barangay.

Dahil dito, aarestuhin sana ang suspek subalit agad nilang tinakbuhan ang mga awtoridad gamit ang motorsiklo hanggang sa nahabol ang mga ito at dinala sa himpilan ng pulisya.

 

Sasampahan ng kasong Resistance and Disobedience to Agent of Person in Authority at paglabag sa Enhanced Community Quarantine ang mag-asawa.

 

Paalala naman ng mga awtoridad na maging aral ang naging sitwasyon ng mag asawa sa iba pang mga residente sa lugar.




Facebook Comments