Arestado ng pulisya ang mag-asawang tukoy na High Value Individual sa usaping ilegal na drogra matapos ang ikinasang search warrant sa San Carlos City, Pangasinan.
Nakilala ang dalawa na 34 anyos na lalaki habang ang asawang babae ay 24 anyos.
Nakumpiska mula sa pagmamay-ari ng mga ito ang 35 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng abot P238, 000.
Nakuha rin ang ilang pang mga drug paraphernalia mula sa mga ito.
Nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









