Dead-on-the-spot ang mag-asawa matapos pagbabarilin sa kanilang bahay sa Barangay Malagasang, Imus, Cavite kagabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Lowel Madelyn Dimapilis, nakatira sa isang subdivision sa Brgy. Malagasang, Imus, Cavite.
Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, alas-10:00 ng gabi kagabi pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima at pinagbabaril gamit ang kalibre-45 na baril.
Dahil dito, dead-on-the-spot ang mag-asawa na nakaupo lang sa sofa nang pagbabarilin.
Nakarekober ang pulisya ng 8 basyo ng bala ng kalibre-45 na baril at 3 tingga.
Isa sa mga anggulong tinitingnan ay may kinalaman sa ilegal na droga dahil nakakuha rin ng mga nakabalot na foil sa kusina at basurahan.
Facebook Comments