Mag-asawa, patay sa pamamaril sa Caloocan

Caloocan City – Patay ang isang mag-asawa matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 117, Caloocan City.

Kinilala ang mag-asawa na sina Albine Nervar, 40-anyos, tricycle driver at misis nitong si Nemia, 40-anyos.

Ayon sa anak ng mga biktima na si Mary Jane, isang lalaki na nakasuot ng green na long sleeve ang bumaril sa kanyang mga magulang.


Bago nito, nakita pa aniya niyang bumili ng sigarilyo ang suspek sa kanilang tindahan at pansamantalang umalis.

Pero makalipas ang ilang minuto, bigla na lang pinasok ng suspek ang kanilang bahay at pinagbabaril ang kaniyang mga magulang.

Nabatid na ang mag-asawa ay mga testigo sa insidente ng pamamaril noong Nobyembre 2018.

Facebook Comments