Mag asawa patay sa pamamaril sa Q.C, misis nagdadalang tao pa

192

Manila, Philippines – Patay ang mag asawa matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspect habang naglalakad sa Taurus St. Brgy Banlat Quezon City mag aalas nuebe kagabi.

Kinilala ang mag asawang biktima na si Bernadette Mercado na limang buwang buntis at ang asawa nitong si PJ Mercado nasa edad 33 pataas.

Sa kwento ng mga residente sa lugar nakarinig umano sila ng apat hanggang limang putok ng baril sa pinangyarihan.


Dead on the spot si Bernadette habang dead on arrival sa ospital ang asawa nitong si PJ.

Ayon sa mga tanod sa lugar sumuko na sa oplan tokhang si PJ Mercado ngunit patuloy parin sa iligal na gawain.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng caliber 45 na pistol.



Sa initial na imbestigasyon target lamang umano ng nga suspect si PJ at nadamay lamang ang asawa nitong si Bernadette.

Samantala kasalukuyan ng iniimbestigahan ang nasabing krimen.


Facebook Comments