Mag-Asawa, Pinagbabaril, Isa Patay!

59

Solana, Cagayan- Dead on the Spot ang isang lalaki habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng isang lalaki kamakailan sa Brgy. Lanna, Solana, Cagayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Eduardo Calimag Jr., trentay nuwebe anyos habang ang asawa nito ay kinilalang si Susana Calimag, kwarenta anyos samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Hipolito Callueng, kwarentay kwatro anyos, may-asawa, isang pintor at pawang mga residente ng Barangay Lanna, Solana, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Solana, naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang mag-asawa nang napadaan ang mga ito sa harap ng bahay ng suspek at biglang naglabas na lamang ito ng baril at pinagbabaril ng tatlong beses si Calimag Jr.

Nagawa pang agawin ni Susana ang baril mula sa suspek subalit aksidente itong nabaril at kinuha naman ng kamag-anak ng suspek na si Imbay Mansanido ang hindi pa matukoy na baril at tumakas sa pinangyarihan.

Isinugod naman ng BFP Solana sa pagamutan ang biktimang si Susana habang ang asawa naman nito ay tuluyan nang binawian ng buhay.

Boluntaryo namang sumuko sa isang Brgy. Kagawad ang suspek at dinala na ito sa PNP Solana para sa kanyang kaukulang disposiyon at dokumentasyon habang tinutugis naman ng kapulisan ang tumangay ng Baril na si Imbay Mansanido.

Facebook Comments