Mag-asawa, Pinagbabaril; Mister Patay!

802

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang mister habang sugatan naman ang misis nito matapos silang pagbabarilin ng ga hindi pa nakikilalang suspek pasado alas otso kagabi sa forest region partikular sa brgy. Del Pilar, San Mariano, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, dead on the spot ang mister na kinilalang si Sammy Pohayon, 37 anyos, magsasaka habang sugatan naman ang asawa nito na si Phyliz Pohayon, 25 anyos, kapwa residente ng nabanggit na lugar.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-asawa ay dumating ang hindi pa matukoy na grupo ng kalalakihan at bigla na lamang pinagbabaril ng maraming beses ang kanilang bahay gamit ang hindi pa matukoy na baril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Sammy na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay habang tinamaan naman sa kaliwang hita si Phyliz na ngayon ay nagpapagaling sa isang pagamutan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at follow-up operation ng mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakahuli ng mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers