Mag asawa pinagbabaril patay sa Kidapawan City sa North Cotabato

Patay ang mag-asawa ng pagbabarilin ng riding in tandem criminal sa national highway ng Brgy. Lanao sa Kidapawan City sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ang mag asawang nasawi na sina William Mendoza at asawang si Diana , pawang residente ng nasabing lugar.
Sa inisyal na report ng Pnp nagpanggap umanong kostumer ang mga salarin at binaril ng malapitan sa ulo si Aling Diana at sumunod na binaril ang mister nitong si William. Agad namang tumalilis ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos maisagawa ang krimen.
Sa ngayon ay inaalam pa ng Kidapawan City Pnp kung sino ang salarin at ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments