Mag asawa pinagbabaril patay sa Matalam North Cotabato

Binawian ng buhay ang mister na nagtamo ng matinding sugat sa katawan ng pagbabarilin ng riding in tandem dakong alas 2:30 ng hapon kahapon sa national highway, Purok 1, Brgy. Manubuan, sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Gionson Kalilangan Maminto, 46 anyos , magsasaka , residente ng Brgy. Magatos, sa bayan Kabacan, North Cotabato.
Ayon sa report ay unang binawian ng buhay ang kanyang misis na si Nora Kalimpo Maminto, 48 bago pa man dumating sa pagamutan. Kasaluyan pang pinaghahanap ng kapulisan ang mga salarin na nakasakay sa kulay itim na Honda XR 200 na walang plaka.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments