Mag asawa pinagbabaril sa bayan ng Matalam North Cotabato isa patay

Patay ang isa katao habang isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Matalam North Cotabato pasado alas sais kagabi. Kinilala ang napatay na si Crescencio Agot Ariata, 51 anyos isang magsasaka at residente ng sitio New Israel Barangay Abra sa bayan ng Matalam North Cotabato habang sugatan naman ang kanyang misis na si Bernie Billones Ariata 45 anyos.
Nasa loob ng kanilang bahay ang mag asawa ng dumating ang 3 di kilalang mga salarin at nagpaputok ng kanilang armas. Tinamaan sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad ding binawian ng buhay habang ang misis nito ay tinamaan sa likod na nagpapagaling ngayon sa pagamutan.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam Pnp para sa pagkakakilanlan ng mga suspect at ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)
.

Facebook Comments