Mag-asawa sa Alicia, Isabela, Patay sa Pamamaril ng Riding in Tandem, Anak Sugatan!

1412

*Alicia, Isabela- *Patay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng riding in tandem kagabi sa Brgy. Santo Domingo, Alicia Isabela.

Kinilala ang mag-asawang biktima at napatay na sina Arnold Salvatierra, 47 anyos, at si Rita Salvatierra, 44 anyos habang sugatan naman ang kanilang 8 anyos na anak na si Roland Jay Salvatierra.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inpector Reynaldo Junio, ang Deputy Chief ng PNP Alicia, Isabela, sinubaybayan at sinundan ng dalawang suspek ang mga biktima matapos maghatid ng kanilang tinitindang itlog ng itik sa brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela lulan ang kanilang multi cab kasama ang kanilang anak at dalawa pang katao.

Pansamantalang tumigil ang mga biktima sa daan subalit nilapitan ang mga ito ng dalawang kalalakihang suspek at pinagbabaril ang mag-asawa habang nagtamo naman ng tama ng baril sa paa ang kanilang anak.

Kaugnay nito ay tinangay pa ng mga suspek ang pinagbentahan ng mga biktima na nagkakahalaga ng mahigit isang daang libong piso at tatlong cellphones.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng hinihinalang cal 45.



Samantala, patuloy pa ang isinasagawang follow up operation ng PNP Alicia hinggil sa nangyaring pamamaril kung saan mayroon nang tinitignang gabay ang PNP sa pagkakakilalan ng Riding in Tandem na suspek.


Facebook Comments