Mag-asawa sa Florida, pumanaw sa parehong araw dahil sa coronavirus

1493
(Unsplash)

FLORIDA – Maging kamatayan ay mistulang hindi mapaghihiwalay ang mag-asawang 51 taon ng kasal, dahil anim na minuto lamang ang pagitan nang lagutan ng hininga ang dalawa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa ulat, parehong malusog ang mag-asawang Stuart Baker, 74, at Adrian Baker,72, nang bigla na lamang silang dapuan ng virus noong kalagitnaan ng Marso.


Unang tinamaan si Stuart na agad na isinugod sa intensive care unit (ICU) sa isang ospital.

Samantala, si Adrian naman ay patuloy na nagpapagaling sa kanilang bahay ngunit nang malamang nasa ICU ang asawa ay lumubha ang kanyang kondisyon.

Nang parehong nang malapit bawian ng buhay, idinala ang dalawa sa parehong silid ng ospital saka nagpasyang tanggalin na ang nakakabit na ventilator at tuluyan nang pumanaw.

Ibinalita ng kanilang anak ang nangyari at pinaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat upang hindi na kumalat pa ang virus.

Facebook Comments