Naghain ng reklamong large-scale estafa sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyante sa Cebu laban sa sa mag-asawa na naka-base sa Ormoc.
Sa press conference ni Atty. Estrella Elamparo, legal counsel ng complainant na si Michelle Lim Go-Chu, isinampa ang reklamong estafa laban sa mag-asawang Lorenzo at Jerlyn Baltonado, na may-ari ng L.M. Baltonado Construction, Inc (LMBC) – business contractor sa Ormoc City na kadalasang humahawak sa mga proyekto ng gobyerno.
“Our client is thus praying that she be afforded her constitutional right and be allowed to initiate the subject criminal cases before the Honorable Office,” ayon kay Elamparo.
Sa kaniyang complaint-affidavit, sinabi ni Go-Chu na ang kaso ay kaugnay sa mga loan na ipinagkaloob niya sa Baltonado couple simula pa taong 2016 para makatulong sa kanilang puhunan sa negosyo.
Ayon kay Elamparo si Go-Chu at ang mga Baltonados ay mayroong long-standing personal at business relationship.
Dahil sa tiwala sa mag-asawa, pumayag si Go-Chu na pumasok sa written loan agreement.
Ani Elamparo, noong 2018 nagsimulang i-expand ang construction business ng LMBC at nagkaroon pa ng karagdagang pagkakautang ang mga Baltonados kay Go-Chu.
Para mapondohan ang kanilan mga proyekto ay nag-iisyu ng tseke ang complainant sa mag-asawa subalit pagsapit n 2021 at 2022 ay nabigo nang makapagbayad ang mga ito.
“My client Michelle Go-Chu would issue the Baltonados checks to help them finance their projects. The agreement was they would pay her back within a short term and this went on without a problem until late 2021 to early 22 when the Baltonados defaulted on their payments and reassurances,” dagdag ni Elamparo.
Napag-alaman din ni Go-Chu na ginamit ng mag-asawa ang kaniyang pangalan at mga inisyung tseke para makakuha pa ng dagdag na mga mula sa ibang creditors gaya na lamang ni Kaiser Christopher Tan.
Ito ay sa kabila ng bilin ni Go-Chu sa mga Baltonados na hindi pwedeng gamitin ang kaniiyang mga tseke para sa third parties.
Nagpatuloy ang Baltonado couple sa pag-loan gamit ang mga tseke ni Go-Chu dahilan para komprontahin na nito ang mga Baltonado.
Kinansela din ni Go-Chu ang mga tseke na kaniyang inisyu kabilang ang mga nai-endorso na ng mag-asawa kay Tan.
Naglabas din ng Stop Payment Order (SPO) si Go-Chu sa mga bangko kay anang ie-encash na ni Tan ang mga tseke ay hindi naito kinilala ng mga bangko.
Sinabi ni Elamparo na hindi maaaring papanagutin si ang kaniyang kliyente sa sa kasong estafa na isinampa ni Tan dahil ang mga tseke ay hindi kinilala ng bangko dahil sa inilabas na SPO at hindi dahil sa kakulangan ng pondo.
Sinabi ni Elamparo na ang mga kasong isinampa ni Tan laban sa kaniyang kliyente ay ibinasura na ng korte dahil sa kawalan ng merito.
Kabilang dito ang mga kaso sa Lapu-Lapu, Naga at Danao.
Nabasura din ang kasong isinampa ni Tan sa Mandaue pero may nakabinbin pang motion for reconsideration si Tan.