MAG-ASAWA SA URBIZTONDO, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Arestado ang isang mag-asawa matapos silang mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Urbiztondo.
Target ng nasabing buy bust operation ang suspek na nakilalang si Ramil Barrozo kung saan ay nagbenta ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa mga pulis.
Inaresto din ang asawa ng suspek na nakilalang si Lea kung saan ay sinamahan nito ang mister sa pagbebenta ng nasabing shabu.

Nakuha sa kustodiya ng mga ito ang Isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang gramo at nagkakahalaga ng halos pitong libong piso.
Inihahanda na ngayon ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mag-asawa. |ifmnews
Facebook Comments