Mag-asawa sugatan sa grenade explosion sa Mlang

Sugatan ang mag-asawa sa nangyaring twin explosion pasado alas 7 kagabi sa Purok 2 Brgy Nueva Vida Mlang North Cotabato .

Kinilala ni North Cotabato PNP Spokesperson Supt. Bernard Tayong ang mga sugatan na sina JOVY VILLARENTE NUÑEZ 54 anyos at mister nitong si Nestorio 58 anyos.

Sinasabing dalawang granada ang inihagis sa compound at labas ng compound ng mag-asawa. Nasa loob ng kanilang tahanan ang mga ito ng mangyari ang pagsabog.


Bagaman may naituro ng responsable sa pangyayari nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP.

Pic for illustration only

Facebook Comments