Mag-asawa, Timbog sa Kasong Grave Oral Defamation!

Ramon, Isabela – Nasa kamay na ng PNP Ramon, Isabela ang mag-asawang may kasong kinakaharap matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito pasado alas dos ng hapon sa Brgy. Pagrang-ayan, Ramon, Isabela.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jojo Dela Cruz Lomboy, trentay singko anyos at Marites Medez Lomboy, singkwentay dos anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP Ramon ang mag-asawa sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodrigo F. Pascua ng 14 MCTC Ramon – San Isidro, 2nd Judicial Region, Ramon, Isabela dahil sa kasong Grave Oral Defamation.


Nasa kustodiya na ng PNP Ramon ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanilang inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P18,000.00 bawat isa.

Facebook Comments