Mag-asawa, tumalon sa gusali 2 araw matapos makarekober sa COVID-19 sa India

1575

HYDERABAD, India – Dalawang araw matapos gumaling sa COVID-19 ay nagpatiwakal ang mag-asawa habang naka-quarantine sa kanilang bahay.


Sa ulat ng Gulf News, nangyari ang insidente nitong umaga ng Linggo sa Dharmavaram town ng Anantapur district sa Andrha Pradesh.

Base sa report ng pulis, tumalon ang mag-asawang Phani Raj, 42, at Sreesha, 40, sa kanilang 3 palapag na tinitirhang gusali at idineklarang dead-on-arrival.

Naiulat na una nang nagpositibo ang mga biktima sa COVID-19 at parehong isinugod sa ospital.

Agad naman silang nakarekober at nito lamang Hulyo 30 ay nakalabas ng ospital at ipinagpatuloy ang self-isolation sa kanilang bahay.

Ngunit makalipas lamang ang dalawang araw ay natagpuan silang wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nagkaroon ng mental stress at problema sa pera ang mag-asawa kaya nagpasya ang mga ito na tapusin na ang kanilang buhay.




Facebook Comments