MAG- ASAWANG 4PS MEMBER, SABAY NA NAGTAPOS NG PAG-AARAL SA BAYAN NG ASINGAN

Tunay nga na couple goals ang tema ng mag-asawang sina Jasmine Manzano at Jay Suelen dahil sabay silang nagtapos ng kanilang pag-aaral. Sila ay 4Ps beneficiary na tubong Barangay Poblacion West sa bayan ng Asingan.
Sabay silang nagtapos ng Junior High School nitong nakaraang August 11 ngayong taon. Ayon sa kanila, si Jasmine, 26 years old ay pangarap na maging doctor at si Jay naman, 30 years old ay pangarap namang maging electrician. Sila ay kabilang sa 64 na Junior High School completer ng ALS.
Sabi nga nila, “walang deadline sa pagkamit ng pangarap”. Kailangan lang ng determinasyon at pagsisikap. Kahit na mahirap ang buhay ng dalawa, kinaya nilang balansehin ang trabaho at pag-aaral. Congratulations idol mula sa iFM DAGUPAN! |ifmnews

Facebook Comments