Mag-asawang dayuhan na hinihinalang konektado sa ISIS, nasa kustodiya na ng AFP

Manila, Philippines – Nasa kustodiya na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naarestong mag-asawang dayuhan na hinihinalang konektado sa ISIS.

Pinangunahan ni Major Jonathan Escopalao ang ginawang pag-turn over kina Husayn Al-Dhafiri at Rahaf Zina sa AFP Intelligence Service Group sa Fort Bonifacio, Taguig.

Unang dinala sa kustodiya ng National Bureau of Investigation ang dalawa kasunod ng pagkakaresto sa mga ito.


Si Al-Dhafiri ay pinaniniwalaang isang bomb expert at Islamic middle-level leader na kapatid ng dating pinuno ng ISIS na ngayon ay patay na.
Nation”

Facebook Comments